Sabado, Mayo 25, 2013

Ang aking mga guro

Unang una ay gusto kung ibahagi sa lahat ang aking karanasan sa aking mga naging guro noong nag aaral pa ako ng sekondarya sa siyudad ng Iloilo.Noong nag aaral palang ako ng 1st-2nd year sa Nabitasan National High School sa Leganes ay naging maganda at masaya ang pag aaral ko doon.Kasi ang aking mga guro ay malapit sa akin at lagi nila kaming tinuturuang mabuti.Minsan nga kapag wala kami masyadong klasi at medyo nabobored ay naglalaro kami kasama ang aming mga guro para kaming mga bata lang na naghahabulan at nagtatawanan kahit pa na sa loob kami nang paaralan.Pero kapag oras na kami nang klasi ay nagiging strikto sila sa amin dahil gusto nila ay matuto kaming lahat nang mabuti.Naiintindihan naman namin iyon kaya sa tuwing nag tuturo na ang aming mga guro sa harapan namin ay nananahimik na kami at nakikinig nalang ng kanilang sinasabi sa amin.Dahil alam naman namin na ang lahat nang kanilang itinuturo ay para rin sa aming mga kaaalaman.Mababait rin ang mga guro namin dahil kung may mga problema ang aking mga kaklasi ay talagang pinapayuhan nila at tinutulungan.Hindi rin sila makasarili dahil kung ano meron sa kanila at sobra ay pinapamahagi nila sa amin.Sila rin ang nagiging pangalawang ina namin dahil sila ang nagpapayo at nagtuturo sa amin.Kaya naging masaya ang pag aaral ko noon sa Nabitasan dahil nga sa alaga kami at tinuturuan pa kami nang magandaqng asal.Pero noong ako ay mag 3rd-4th year na ay nilipat ako nang aking mga magulang sa Iloilo City National High School.Unang una ay ayaw ko pa sana dahil nakasanayan ko na ang aking mga naging guro sa Nabitasan at doon ay marami na akong kaibigan.Pero wala akong magawa dahil iyon na ang gusto nang aking mga  magulang kaya kahit na malungkot man sa akin na mapalayo sa aking mga guro ay ginawa ko nalang.Pagpasok ko nang una sa ICNHS ay kinakabahan ako noon dahil nga sa wala akong kakilala at hindi ko alam kung anong merong ugali ang aking magiging guro.Pero pagpasok ku ay hindi ko akalain na ang magiging mga guro ko pala ay mababait rin una akala mo ay mga suplada at suplado dahil sa mga mukha nila pero kabaliktaran naman pala.Katunayan nga noong sumakit ang aking tiyan ay dinala ako nang guro namin sa clinic para ikunsulta at hindi niya talaga ako iniwan hanggat hindi ako gumagaling.Doon ko napatunayan rin sa sarili ko na mababait talaga ang mga guro dahil hindi nila hinayaan na may masamang mangyari sa kanilang mga estudyante.At sila rin ay nagsusumikap na magturo sa kanilang mga estudyante kahit alam kong pagod na sila ay nagtuturo parin.Hindi rin nila hinahayaan na umuwi ang kanilang mga estudyante na walang natutunan sa kanilang itinuturo.At kahit na nahihirapan sila ay ginagawa parin nila ang lahat nang kanilang magagawa para lang hindi masayang ang gastus nang mga magulang sa pag aaral nang mga anak.Kahit nga na ang ibang mga estudyante ay parang ayaw nang mg aral at gusto lang gumala ng gumala ay kinakausap nang mga guro ay pinapayohan sila ng mabuti.Kahit na hindi nila ka ano-ano ang kanilang  tinuturuan ay binibigyan talaga ng importansya nang mga guro.Kaya laking pasasalamat ko dahil merong mga guro na handang tumulong at hindi nagsasawa na tayo ay turuan ng mabuti.At magpasalamat tayong lahat na may mga dakilang guro na nagtuturo sa atin dahil kung wala ay wala rin siguro tayung matutunan at huwag natin silang awayin at ikahiya dahil sa kanila kaya tayo ngayon ay marunong magsulat at magbasa.Kaya mabuhay ang mga dakilang guro..

Ang aking karanasan

Marami akong karanasan sa aking buhay pero isa lang ang hindi ko  malilimutan ay ang buwan ng Mayo 22, 2012.Ang araw na iyon ay ang fiesta sa amin pumunta kami noon sa bayan kami ng dalawa kong kaibigan para bumili ng gamit para sa kapatid ng isa kong kaibigan.Pagpunta namin ng bayan ay masayang masaya kaming ng kekwentohang tatlo habang nilalakbay ang malayung daan papuntang bayan.Pagkarating namin ng bayan ay agad kaming bumili ng mga bibilhin namin at gumala sa tabing dagat habang kami ay hindi pa napapagod at nag hihintay ng masasakyang motor ngunit lumipas lang ang 30 minutes at wala pa rin kaming pasakyan pauwi ay napagpasyahan nalang namin na lakarin nalang namin pauwi.Una ay hindi pumayag si che na maglakad kami dahil nga sya ay madaling mapagod at hindi sanay lumakad lalo na nga at malayo at bukid ang aming lalakarin.Kahit ako nga ay ayaw ko rin sanang mag lakad pero walang choice dahil walang masakyan at baka magabihan lang kami sa bayan.Kaya sa huli ay napapayag rin namin n jessa si che na maglalakad nalang kaming tatlo para hindi na kami magaqbihan pa sa daan at lalo na dahil may mga gamit kami na kailangan sa gagawing coronation sa aming baryo.Naglalakad na kami malayu sa mai binilhan namin nang bigla na lang may huminto sa tapat naming tatlo na isang lalaki na nag dadala ng single.Huminto siya sa tapat naming tatlo para raw na isakay kami dahil malayo pa raw ang aming pupuntahan at tamang tama na doon rin raw siya pumunta.Nasiyahan kaming tatlo dahil libre na yong sakay namin ngunit naisip namin na maliit lang yong sakayan at baka hindi kami kasyang tatlo,lalo na nga at medyo mataas pa ang dadaanan.Pero pinilit kami nang lalaki at sabi niya raw ay kaya niya raw at doon ay napagpasyahan naming sumakay nalang para hindi kami mapagod lalo na nga at hingal na hingal na kaming tatlo.Ngunit ang hindi namin inaasahan ay wala pa nga sa 5 minutes yung pagsakay namin ay nadisgrasya kami dahil hindi nakayanan ng driver ang bigat namin kaya ayun nag handusay kami sa kalsada akala nga namin noon ay bali bali na ang aming mga katawan,  ngunit laking tuwa at pasasalamat namin sa diyos na hindi kami masyadong nasaktan at galos lang ang aming nakuha sa disgrasyang iyon.Akala nga namin noon ay katapusan na namin pero hindi pala sabay sabay kaming nag bangun at nagtawanan nalang kami dahil hindi talaga namin alam kung ano ang nangyari at yun ang unang nangyaring disgrasya na nangyari sa buhay ko.Pasalamat rin kami dahil walang may dumaan na sasakyan kaya walang nakakita na nadisgrasya kaming tatlo dahil kung may nakakita noon siguradong pagtatawanan kami.At noong nakatayo na pala kami ay agad agad kaming nag ayus nang aming sarili at ng titigan kaming tatlo tiningnan lang namin ang driver dahil kami mismo ay nagulat sa nangyari at humingi sa amin ng paumanhin yong lalaki pero hindi naman namin masisisi yong driver dahil hindi nya rin naman na iyon ay mangyayari kaya tinawanan nalang namin yon.At ng pasalamat kami dahil hindi nasira ang mga gamit na binili namin dahil kung nasira iyon siguradong papagalitan kaming tatlo.Aalis na sana kaming tatlo noon ng tinawag kami ng driver na nakadisgrasya sa amin para raw na sumabay raw kami sa kanya at hindi na kami pumayag dahil ayaw na naming madisgrasya pang muli ,pero pinasalamatan rin naman namin siya siempre sa kabutihang loob na ginawa nya sa amin.Kaya ayun naglakad na naman kaming tatlo at nagtatawanan nalang sa nangyari sa amin nang may huminto na naman sa tapat namin na kakilala naming driver.May tiwala kami sa driver na iyon kaya sumakay kami dahil masasakit na talaga yong mga binti at likod namin noon, kaw ba naman madisgrasya kung hindi sasakit likod mo hehe..At ayun sumakay nga kami at pasalamat kami dahil umuwi kaming ligtas at hindi masyadong nasaktan,likod nga lang masakit.Pagkauwi namin ay tsakto namang may basketball sa amin at walang scorer kaya ayun kami na naman ang scorer at hindi nila nahalata na nadisgrasya kami hahaha..At hindi namin iyon sinumbong sa kanila baka pagtawanan lang kami anu?Tanging ang mga magulang lang namin noon ang aming sinabihan at sila ay tumawa lang dahil hindi raw halata sa amin na kami ay nadisgrasya.Kaya ayun hinayaan nalang namin sila at ang hindi namin akalain ay sinumbong pala nila sa iba naming mga kaibigan ang nangyari sa amin.Kaya kami ay kinulit ng iba naming mga kaibigan at napilitan nalang kaming isumbong sa kanila ang nangyari.At ayun nga pinagtawanan nga kami haha wagas talaga pag sila ang tumawa at dahil ng tatawanan sila ay sinabayan nalang namin sila ng pagtawa na para bang wala lang nangyari sa aming tatlo.At iyong karanasan na iyon ang hindi ko malilimutan hanggang sa ngayun dahil kahit nadisgrasya kami noon ay tumawa parin kami at hindi kami gaanong nasaktan noon kaya laking pasalamat namin sa poong maykapal dahil hindi niya kami hinayaang masaktan.

Ang aking Talambuhay

Ako nga po pala si Marybeth G.Gonzaga labing pitong taong gulang na babae.Nakatira ako sa Combot San Jose Romblon.Ipinanganak ako noong February 2 1996 sa Combot.Ang aking palayaw pala ay si Sugar ang tamis noh? haha pero jowk lang.Isa lang akong simpleng babae na walang kahilig hilig sa anumang bagay at wala rin akong talent medyo bored noh? pero okay lang kontento naman ako sa kung ano meron ako ngayun.Masaya na ako dahil may pamilya at mga kaibigan akong ng papalakas ng aking loob.Nakapagtapos ako ng elemtarya sa Combot Elementary School at Sekondarya naman sa Iloilo City National High School.Ang aking mga magulang ay sina Maryjane Gonzaga at Lawrence Gonzaga.Ako ang panganay sa tatlo naming magkakapatid ang aking dalawang kapatid ay sina Rence Marlo Gonzaga at Lawrence Gonzaga Jr.Mahilig akong kumain ng matatamis at mahilig rin ako sa maaanghang na pagkain.Ang trabaho nga pala ng aking ina ay gumagawa ng herbal products at ang aking ama naman ay sa construction nagtatrabaho.Pero kahit ganun lang ang trabaho ng aking mga magulang ay proud parin ako sa kanila dahil yun ang bumubuhay sa amin at yun ay isang marangal na trabaho.Ang aking ina ay ubod ng bait at mapagmahal na ina dahil lahat ginagawa niya makapag aral lang kaming tatlong magkakapatid.Ang aking ama naman ay mabait din pero lassingero hindi ata mabubuhay kung hindi nakainum hehe.Pero kahit ganun siya ay proud parin ako dahil subrang mapagmahal siya sa amin pati na sa ibang tao mahilig nga rin pala syang magpatawa.Kaya nga hindi kami nabobored sa bahay namin eh minsan nga ay nakikisali rin mga kapitbahay at mga kaibigan ko sa mga patawa nya hehe.Marami ring pinagbabawal si papa sa amin tulad ng pag boboyfriend bata palang ako ay sinabihan nya na ako na huwag raw akong mag nubyo dahil makakasira raw ito sa aking pag aaral ko.Naiinis man ako sa kanyang pinagbabawal ay okay lang dahil na isip ko na tama lang naman ang kanyang pinapayo sa akin at alam kong mahal na mahal ako ng aking papa.Pero may isang time na nagpaalam ako na kung pwede akong mag boyfriend ay pinayagan ako ni mama pero si papa ay hindi pumayag kaya hindi ku nalang itinuloy.Kaya ito nag aaral nalang ako ng mabuti at sinusunod ko nalang sila para walang away.At binibigay ko nalang ang aking time sa aking pamilya at siempre sa aking mga kaibigan.Marami akong kaibigan ngunit dalawa lang ang pinaka close ko dahil sila yung parati kung kasama kahit saan man ako pumunta .Sila ay sina Marianne Jessa ,Ging for short at Rizza Jane ,Che for short.Noong maliit pa kami ay magkakasama na kaming ng lalaro dahil sa magkapit bahay kaming tatlo.Palagi kaming naglalaro at pumupunta sa tagaytay sa hambil para manguha ng bayabas at lomboy.Minsan din sa sobrang paglalaro ay ng aaway kami dahil sa inggit pero kami ay nagkakabati rin naman dahil nga sa magkaibigan talaga kami.At nang lumaki na nga kami ay magkakaibigan parin kami at walang lihiman sa amin dahil yun ang pinakabawal sa aming magkakaibigan.Minsan nga ay pinapagalitan na kami ng aming mga magulang dahil hindi na kami nakakatulong sa gawaing bahay dahil lang sa gumagala at nawiwili kami sa pagkekwento ng kung anu-ano sa buhay namin.Pero kahit ganoon ay okay lang sa amin dahil sanay na rin naman kami lalo na kapag kasama kaming tatlo ay nawawala talaga ang aming mga problema.Kaya masaya ako na makilala ko sila dahil kahit malungkot ako ay napapatawa nila ako at sa kanila ko narin kasi sinasabi ang aking mga problema sa buhay.Marami rin pala akong mga pinsan na hindi ku maintindihan ang mga ugali dahil ang mga pinsan ko ay may mga bisyo kunti lang ata ang wala at isa na doon ay ang pinsan kong si Maryjoy at Nixon.Sila lang dalawa yong kaklose ko masyado dahil yong iba ay may sariling mga mundo hehe pero kahit ganun close rin naman kami. Minsan nga eh dinadala pa nila aku sa kanilang mga pinupuntahan.Pero ang lagi kong kasama sa lahat ng mga pinsan ko ay si Maryjoy dahil nga sa mg kaklasi kami pero kahit hindi naman ay palagi kaming magkakasama.Kaya nga minsan ay pinapagalitan kami na kung saan saan raw kami pumupunta at kung anu ano na raw mga ginagawa namin kahit hindi naman totoo.Kaya ayun pinapabayaan nalang namin ang aming naririnig dahil hindi naman totoo at baka kung saan pa iyon umabot kung sasagut kami, kaya sinasabi lang namin sa aming mga sarili na baka naiinggit lang yung kung sino man ang gumagawa ng mga usap usap na iyon dahil rin siguro sa walang magawa kaya kami ang nakikita palagi.Pero ngayun ay medyo na kami nag sasama palagi para maka iwas sa kung anu namang mga sabi sabi hehe.Gusto lang kasi namin na walang marinig at gusto lang namin na maayos at masayang buhay haha..Buhay talaga ha?..