Ang aking Talambuhay
Ako nga po pala si Marybeth G.Gonzaga labing pitong taong gulang na babae.Nakatira ako sa Combot San Jose Romblon.Ipinanganak ako noong February 2 1996 sa Combot.Ang aking palayaw pala ay si Sugar ang tamis noh? haha pero jowk lang.Isa lang akong simpleng babae na walang kahilig hilig sa anumang bagay at wala rin akong talent medyo bored noh? pero okay lang kontento naman ako sa kung ano meron ako ngayun.Masaya na ako dahil may pamilya at mga kaibigan akong ng papalakas ng aking loob.Nakapagtapos ako ng elemtarya sa Combot Elementary School at Sekondarya naman sa Iloilo City National High School.Ang aking mga magulang ay sina Maryjane Gonzaga at Lawrence Gonzaga.Ako ang panganay sa tatlo naming magkakapatid ang aking dalawang kapatid ay sina Rence Marlo Gonzaga at Lawrence Gonzaga Jr.Mahilig akong kumain ng matatamis at mahilig rin ako sa maaanghang na pagkain.Ang trabaho nga pala ng aking ina ay gumagawa ng herbal products at ang aking ama naman ay sa construction nagtatrabaho.Pero kahit ganun lang ang trabaho ng aking mga magulang ay proud parin ako sa kanila dahil yun ang bumubuhay sa amin at yun ay isang marangal na trabaho.Ang aking ina ay ubod ng bait at mapagmahal na ina dahil lahat ginagawa niya makapag aral lang kaming tatlong magkakapatid.Ang aking ama naman ay mabait din pero lassingero hindi ata mabubuhay kung hindi nakainum hehe.Pero kahit ganun siya ay proud parin ako dahil subrang mapagmahal siya sa amin pati na sa ibang tao mahilig nga rin pala syang magpatawa.Kaya nga hindi kami nabobored sa bahay namin eh minsan nga ay nakikisali rin mga kapitbahay at mga kaibigan ko sa mga patawa nya hehe.Marami ring pinagbabawal si papa sa amin tulad ng pag boboyfriend bata palang ako ay sinabihan nya na ako na huwag raw akong mag nubyo dahil makakasira raw ito sa aking pag aaral ko.Naiinis man ako sa kanyang pinagbabawal ay okay lang dahil na isip ko na tama lang naman ang kanyang pinapayo sa akin at alam kong mahal na mahal ako ng aking papa.Pero may isang time na nagpaalam ako na kung pwede akong mag boyfriend ay pinayagan ako ni mama pero si papa ay hindi pumayag kaya hindi ku nalang itinuloy.Kaya ito nag aaral nalang ako ng mabuti at sinusunod ko nalang sila para walang away.At binibigay ko nalang ang aking time sa aking pamilya at siempre sa aking mga kaibigan.Marami akong kaibigan ngunit dalawa lang ang pinaka close ko dahil sila yung parati kung kasama kahit saan man ako pumunta .Sila ay sina Marianne Jessa ,Ging for short at Rizza Jane ,Che for short.Noong maliit pa kami ay magkakasama na kaming ng lalaro dahil sa magkapit bahay kaming tatlo.Palagi kaming naglalaro at pumupunta sa tagaytay sa hambil para manguha ng bayabas at lomboy.Minsan din sa sobrang paglalaro ay ng aaway kami dahil sa inggit pero kami ay nagkakabati rin naman dahil nga sa magkaibigan talaga kami.At nang lumaki na nga kami ay magkakaibigan parin kami at walang lihiman sa amin dahil yun ang pinakabawal sa aming magkakaibigan.Minsan nga ay pinapagalitan na kami ng aming mga magulang dahil hindi na kami nakakatulong sa gawaing bahay dahil lang sa gumagala at nawiwili kami sa pagkekwento ng kung anu-ano sa buhay namin.Pero kahit ganoon ay okay lang sa amin dahil sanay na rin naman kami lalo na kapag kasama kaming tatlo ay nawawala talaga ang aming mga problema.Kaya masaya ako na makilala ko sila dahil kahit malungkot ako ay napapatawa nila ako at sa kanila ko narin kasi sinasabi ang aking mga problema sa buhay.Marami rin pala akong mga pinsan na hindi ku maintindihan ang mga ugali dahil ang mga pinsan ko ay may mga bisyo kunti lang ata ang wala at isa na doon ay ang pinsan kong si Maryjoy at Nixon.Sila lang dalawa yong kaklose ko masyado dahil yong iba ay may sariling mga mundo hehe pero kahit ganun close rin naman kami. Minsan nga eh dinadala pa nila aku sa kanilang mga pinupuntahan.Pero ang lagi kong kasama sa lahat ng mga pinsan ko ay si Maryjoy dahil nga sa mg kaklasi kami pero kahit hindi naman ay palagi kaming magkakasama.Kaya nga minsan ay pinapagalitan kami na kung saan saan raw kami pumupunta at kung anu ano na raw mga ginagawa namin kahit hindi naman totoo.Kaya ayun pinapabayaan nalang namin ang aming naririnig dahil hindi naman totoo at baka kung saan pa iyon umabot kung sasagut kami, kaya sinasabi lang namin sa aming mga sarili na baka naiinggit lang yung kung sino man ang gumagawa ng mga usap usap na iyon dahil rin siguro sa walang magawa kaya kami ang nakikita palagi.Pero ngayun ay medyo na kami nag sasama palagi para maka iwas sa kung anu namang mga sabi sabi hehe.Gusto lang kasi namin na walang marinig at gusto lang namin na maayos at masayang buhay haha..Buhay talaga ha?..
Simpleng babae ka talaga .. IDOL nga kita eh .. nakaka inlove <3
TumugonBurahin