Ang aking karanasan
Marami akong karanasan sa aking buhay pero isa lang ang hindi ko malilimutan ay ang buwan ng Mayo 22, 2012.Ang araw na iyon ay ang fiesta sa amin pumunta kami noon sa bayan kami ng dalawa kong kaibigan para bumili ng gamit para sa kapatid ng isa kong kaibigan.Pagpunta namin ng bayan ay masayang masaya kaming ng kekwentohang tatlo habang nilalakbay ang malayung daan papuntang bayan.Pagkarating namin ng bayan ay agad kaming bumili ng mga bibilhin namin at gumala sa tabing dagat habang kami ay hindi pa napapagod at nag hihintay ng masasakyang motor ngunit lumipas lang ang 30 minutes at wala pa rin kaming pasakyan pauwi ay napagpasyahan nalang namin na lakarin nalang namin pauwi.Una ay hindi pumayag si che na maglakad kami dahil nga sya ay madaling mapagod at hindi sanay lumakad lalo na nga at malayo at bukid ang aming lalakarin.Kahit ako nga ay ayaw ko rin sanang mag lakad pero walang choice dahil walang masakyan at baka magabihan lang kami sa bayan.Kaya sa huli ay napapayag rin namin n jessa si che na maglalakad nalang kaming tatlo para hindi na kami magaqbihan pa sa daan at lalo na dahil may mga gamit kami na kailangan sa gagawing coronation sa aming baryo.Naglalakad na kami malayu sa mai binilhan namin nang bigla na lang may huminto sa tapat naming tatlo na isang lalaki na nag dadala ng single.Huminto siya sa tapat naming tatlo para raw na isakay kami dahil malayo pa raw ang aming pupuntahan at tamang tama na doon rin raw siya pumunta.Nasiyahan kaming tatlo dahil libre na yong sakay namin ngunit naisip namin na maliit lang yong sakayan at baka hindi kami kasyang tatlo,lalo na nga at medyo mataas pa ang dadaanan.Pero pinilit kami nang lalaki at sabi niya raw ay kaya niya raw at doon ay napagpasyahan naming sumakay nalang para hindi kami mapagod lalo na nga at hingal na hingal na kaming tatlo.Ngunit ang hindi namin inaasahan ay wala pa nga sa 5 minutes yung pagsakay namin ay nadisgrasya kami dahil hindi nakayanan ng driver ang bigat namin kaya ayun nag handusay kami sa kalsada akala nga namin noon ay bali bali na ang aming mga katawan, ngunit laking tuwa at pasasalamat namin sa diyos na hindi kami masyadong nasaktan at galos lang ang aming nakuha sa disgrasyang iyon.Akala nga namin noon ay katapusan na namin pero hindi pala sabay sabay kaming nag bangun at nagtawanan nalang kami dahil hindi talaga namin alam kung ano ang nangyari at yun ang unang nangyaring disgrasya na nangyari sa buhay ko.Pasalamat rin kami dahil walang may dumaan na sasakyan kaya walang nakakita na nadisgrasya kaming tatlo dahil kung may nakakita noon siguradong pagtatawanan kami.At noong nakatayo na pala kami ay agad agad kaming nag ayus nang aming sarili at ng titigan kaming tatlo tiningnan lang namin ang driver dahil kami mismo ay nagulat sa nangyari at humingi sa amin ng paumanhin yong lalaki pero hindi naman namin masisisi yong driver dahil hindi nya rin naman na iyon ay mangyayari kaya tinawanan nalang namin yon.At ng pasalamat kami dahil hindi nasira ang mga gamit na binili namin dahil kung nasira iyon siguradong papagalitan kaming tatlo.Aalis na sana kaming tatlo noon ng tinawag kami ng driver na nakadisgrasya sa amin para raw na sumabay raw kami sa kanya at hindi na kami pumayag dahil ayaw na naming madisgrasya pang muli ,pero pinasalamatan rin naman namin siya siempre sa kabutihang loob na ginawa nya sa amin.Kaya ayun naglakad na naman kaming tatlo at nagtatawanan nalang sa nangyari sa amin nang may huminto na naman sa tapat namin na kakilala naming driver.May tiwala kami sa driver na iyon kaya sumakay kami dahil masasakit na talaga yong mga binti at likod namin noon, kaw ba naman madisgrasya kung hindi sasakit likod mo hehe..At ayun sumakay nga kami at pasalamat kami dahil umuwi kaming ligtas at hindi masyadong nasaktan,likod nga lang masakit.Pagkauwi namin ay tsakto namang may basketball sa amin at walang scorer kaya ayun kami na naman ang scorer at hindi nila nahalata na nadisgrasya kami hahaha..At hindi namin iyon sinumbong sa kanila baka pagtawanan lang kami anu?Tanging ang mga magulang lang namin noon ang aming sinabihan at sila ay tumawa lang dahil hindi raw halata sa amin na kami ay nadisgrasya.Kaya ayun hinayaan nalang namin sila at ang hindi namin akalain ay sinumbong pala nila sa iba naming mga kaibigan ang nangyari sa amin.Kaya kami ay kinulit ng iba naming mga kaibigan at napilitan nalang kaming isumbong sa kanila ang nangyari.At ayun nga pinagtawanan nga kami haha wagas talaga pag sila ang tumawa at dahil ng tatawanan sila ay sinabayan nalang namin sila ng pagtawa na para bang wala lang nangyari sa aming tatlo.At iyong karanasan na iyon ang hindi ko malilimutan hanggang sa ngayun dahil kahit nadisgrasya kami noon ay tumawa parin kami at hindi kami gaanong nasaktan noon kaya laking pasalamat namin sa poong maykapal dahil hindi niya kami hinayaang masaktan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento