Ang aking mga guro
Unang una ay gusto kung ibahagi sa lahat ang aking karanasan sa aking mga naging guro noong nag aaral pa ako ng sekondarya sa siyudad ng Iloilo.Noong nag aaral palang ako ng 1st-2nd year sa Nabitasan National High School sa Leganes ay naging maganda at masaya ang pag aaral ko doon.Kasi ang aking mga guro ay malapit sa akin at lagi nila kaming tinuturuang mabuti.Minsan nga kapag wala kami masyadong klasi at medyo nabobored ay naglalaro kami kasama ang aming mga guro para kaming mga bata lang na naghahabulan at nagtatawanan kahit pa na sa loob kami nang paaralan.Pero kapag oras na kami nang klasi ay nagiging strikto sila sa amin dahil gusto nila ay matuto kaming lahat nang mabuti.Naiintindihan naman namin iyon kaya sa tuwing nag tuturo na ang aming mga guro sa harapan namin ay nananahimik na kami at nakikinig nalang ng kanilang sinasabi sa amin.Dahil alam naman namin na ang lahat nang kanilang itinuturo ay para rin sa aming mga kaaalaman.Mababait rin ang mga guro namin dahil kung may mga problema ang aking mga kaklasi ay talagang pinapayuhan nila at tinutulungan.Hindi rin sila makasarili dahil kung ano meron sa kanila at sobra ay pinapamahagi nila sa amin.Sila rin ang nagiging pangalawang ina namin dahil sila ang nagpapayo at nagtuturo sa amin.Kaya naging masaya ang pag aaral ko noon sa Nabitasan dahil nga sa alaga kami at tinuturuan pa kami nang magandaqng asal.Pero noong ako ay mag 3rd-4th year na ay nilipat ako nang aking mga magulang sa Iloilo City National High School.Unang una ay ayaw ko pa sana dahil nakasanayan ko na ang aking mga naging guro sa Nabitasan at doon ay marami na akong kaibigan.Pero wala akong magawa dahil iyon na ang gusto nang aking mga magulang kaya kahit na malungkot man sa akin na mapalayo sa aking mga guro ay ginawa ko nalang.Pagpasok ko nang una sa ICNHS ay kinakabahan ako noon dahil nga sa wala akong kakilala at hindi ko alam kung anong merong ugali ang aking magiging guro.Pero pagpasok ku ay hindi ko akalain na ang magiging mga guro ko pala ay mababait rin una akala mo ay mga suplada at suplado dahil sa mga mukha nila pero kabaliktaran naman pala.Katunayan nga noong sumakit ang aking tiyan ay dinala ako nang guro namin sa clinic para ikunsulta at hindi niya talaga ako iniwan hanggat hindi ako gumagaling.Doon ko napatunayan rin sa sarili ko na mababait talaga ang mga guro dahil hindi nila hinayaan na may masamang mangyari sa kanilang mga estudyante.At sila rin ay nagsusumikap na magturo sa kanilang mga estudyante kahit alam kong pagod na sila ay nagtuturo parin.Hindi rin nila hinahayaan na umuwi ang kanilang mga estudyante na walang natutunan sa kanilang itinuturo.At kahit na nahihirapan sila ay ginagawa parin nila ang lahat nang kanilang magagawa para lang hindi masayang ang gastus nang mga magulang sa pag aaral nang mga anak.Kahit nga na ang ibang mga estudyante ay parang ayaw nang mg aral at gusto lang gumala ng gumala ay kinakausap nang mga guro ay pinapayohan sila ng mabuti.Kahit na hindi nila ka ano-ano ang kanilang tinuturuan ay binibigyan talaga ng importansya nang mga guro.Kaya laking pasasalamat ko dahil merong mga guro na handang tumulong at hindi nagsasawa na tayo ay turuan ng mabuti.At magpasalamat tayong lahat na may mga dakilang guro na nagtuturo sa atin dahil kung wala ay wala rin siguro tayung matutunan at huwag natin silang awayin at ikahiya dahil sa kanila kaya tayo ngayon ay marunong magsulat at magbasa.Kaya mabuhay ang mga dakilang guro..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento